Kahit bata pa ako | Raqi’s Secret Files

July 10, 2023

“Na-experience ko nang magmahal at mag-let go kahit sa mura kong edad…”

Hi, DJ Raqi! Itago niyo po ako sa pangalang Faith. Isa po akong teenager, pero despite my youth, I already experienced how it feels to love someone truly, to care deeply, to get hurt painfully, and to let go selflessly. Don’t get me wrong po, because I did not engage in a romantic relationship with someone else. I am a pet owner, ‘was’ na pala, DJ Raqi. I ‘was’ a pet owner. I once owned and loved a dog named Snow at ito po ang aming Secret File.

When I was in elementary school, nagdala po ang mama ko ng puppy pag-uwi niya from work, bigay ng officemate niya — isang maputi at cute na Golden Retriever puppy. Sa excitement ko na may aalagaan kaming pet sa bahay, nag-volunteer ako kay Mama na ako ang mag-aasikaso sa tuta. Pinangalanan namin ang tuta na Snow dahil sa kaputian niya. Sa unang araw ng pamamalagi ni Snow sa amin ay nakagaanan ko agad siya ng loob. Gano’n din naman siya sa akin. Masaya akong nakikita ang buntot niyang kaway nang kaway na parang sumesenyas na nagpapakarga siya sa akin, kaya laging abot-langit ang ngiti ko kapag kinakarga ko si Snow at kapag dinidilaan niya ako sa mukha. Ako naman, I often pat Snow’s head at mukhang gusto naman ito ni Snow. It was then the start of a friendship between a young girl and a young dog.

Dati tuwing umaga, bago ako pumasok sa school, ako ang nagpapaligo kay Snow. Ako rin ang nagpapakain sa kaniya ng kaniyang dog food. ’Pag napapaaga ako ng gising, I also take time na iikot siya sa subdivision namin para makipag-bonding siya sa ibang aso o ’di kaya ay makapagbawas. Naaalala ko nga one time, habang namamasyal kami ni Snow, I was distracted kasi nakatingin ako sa mga dumadaang sasakyan sa kalapit na highway. Heto namang si Snow, umupo sa may paanan ko, pero hindi ko napansin, nagbawas na pala siya rito pa sa mismong paa ko. Akala ko maiinis ako, pero natawa ako nang malakas kasi natuwa ako sa innocence ni Snow as a dog. ’Yung tipong gagawin niya ang gusto niya just to get comfortable. Naisip ko tuloy na malamang, kung iba ang naging owner ni Snow, baka pinagalitan na siya or worse, sinaktan pa. We walked home together, hawak-hawak ko ang tali niya habang ako naman ay pipilay-pilay na naglakad dahil sa dumi na iniwan ni Snow sa paa ko. Pag-uwi namin, I washed my foot na parang wala lang nangyari. Niyakap ko pa rin si Snow despite what she did.

Isang araw, dinala ko si Snow sa veterinary clinic malapit sa amin para mapabakunahan siya ng anti-rabies. I remember no’ng unang visit namin sa vet doctor niya, nanginginig siya sa takot. No’ng tinusok si Snow para sa vaccine niya, naaalala kong sigaw siya nang sigaw, ’yung parang humihingi siya ng saklolo sa akin.

Sundan ang kuwento ni Faith dito sa Raqi’s Secret Files!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.