Kumpletong pamilya sana | Raqi’s Secret Files

July 18, 2023

“Pangarap ng kuya ko na makumpleto kami muli.”

Hi po, DJ Raqi! Tawagin mo na lang po ako sa pangalang Jane, pang-apat sa anim na magkakapatid, may dalawang kuya, may isang ate, at dalawang nakababatang kapatid at ito ang aking Secret File.

Hindi man po kami mayaman, pero mayaman po kami sa saya dahil kami ay sama-sama at kumpleto. Nakakaraos naman po kami sa pang-araw-araw at sa mga gastusin sa loob ng bahay at sa aming pag-aaral at nakakakain din po nang tatlong beses sa isang araw. Ang aming mama ay isang housewife. Bale siya ang nag-aalaga sa amin at isa namang fisherman ang aming papa.

So, fast forward, lahat kaming magkakapatid ay magkasundo, pero ’yung pangalawa kong kuya, siya talaga ang kaaway ko palagi. Tawagin mo na lang siya sa pangalang Earl. Lagi kaming nag-aaway, DJ Raqi, may times na nagsuntukan kami at nagsipaan, pero kahit gano’n pa man, nagkakabati rin kami agad hanggang sa nagkakaroon na nga kami ng isip, nag-ma-mature na rin at naiintindihan na rin namin ’yung mga bagay-bagay — kung ano ang tama at kung ano ang mali. Grumaduate kami ng high school at hindi na rin nakapag-kolehiyo dahil na rin sa financial problem. Naghanap na lang po kami ng trabaho, DJ Raqi, rito rin po sa aming probinsya. Nakakalungkot nga lang isipin na magkalayo kaming magkakapatid dahil na rin sa may mga sarili ngang trabaho. ’Yung panganay naming kuya at si Ate ay nasa Manila at matagal-tagal na rin na hindi nakauwi. Yes, DJ Raqi, ’yon ang pangarap ng kuya ko — na makumpleto kami ulit.

March 4, 2020, masayang nag-celebrate ng kaniyang kaarawan ang kuya ko, but the month of March is the most painful ever, DJ Raqi. ’Yon din ’yung buwan na nag-away sila Mama at Papa then, umuwi si Mama sa kanila, isang sakayan lang naman ng jeep, 15 minutes bago makarating do’n. Hindi ko na po sasabihin kong ano ’yung reason, pero sobrang naapektuhan po kaming magkakapatid sa nangyari. Naranasan din po namin ’yung broken family, DJ Raqi. No’ng isang taon nga, nag-celebrate kami ng bagong taon na kami lang tatlo nila Papa at Kuya and then, fast forward, Saturday morning, hinatid ako ng kuya ko sa labasan namin para maghintay ng jeep. Papasok kasi ako sa work ko no’n at nanghiram pa siya ng isangdaan sa akin so, pinahiram ko naman. Bago siya umalis, sinabihan niya pa ako ng mag-iingat daw ako palagi and he smiled at me. Hindi ko maintindihan, DJ Raqi, pero naawa ako sa expression ng mukha ng kuya ko no’n.

Sundan ang kuwento ni Jane rito sa Raqi’s Secret Files!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.