Nabuntis ang girlfriend ko ng kaniyang amo | Raqi’s Secret Files

August 7, 2023

“Nabuntis ang girlfriend ko ng kaniyang amo.”

Dear DJ Raqi,

Itago niyo na lang ako sa name na John (although ’yung true name ko po ’yung nasa email ko). Currently, nag-wo-work ako sa abroad (’di ko na i-di-disclose ’yung place). Sana po ay mapagbigyan niyo itong sulat ko na ito. Gusto ko lang i-share ’yung situation ko ngayon at humingi ng payo and opinion from you.

I’ve been into this on-and-off relationship with another OFW. Maganda po siya at mas bata sa’kin. Medyo malaki na nga ang age gap naming dalawa. On-and-off kasi since naging kami, palagi kaming nag-aaway at naghihiwalay dahil sa selos ko. From the start kasi, napapansin ko na may pagnanasa ’yung kaniyang amo sa kaniya at palagi silang magkasama, pero sige lang ang kaniyang tanggi at sinasabing walang ibang nangyayari sa kanila. May ibang asawa ang kaniyang amo kaya ’di raw niya ito papatulan.

Nakuwento niya minsan na nagtangka ’yung amo niya sa kaniya, pero sinabihan niya ito na irespeto siya. Alam namin na babaero ang kaniyang amo na kahit may asawa na ito ay nililigawan ’yung iba pa nilang empleyadong babae. Sa kabila nito ay palagi pa rin silang magkasama. Kahit sa paglabas, siya ang pinipili ng amo niyang lalaki na kasama. Doon palagi nagsisimula ang aking hinala about them at nahahantong sa pag-aaway namin.

Tumagal din ng two years na naging kami kahit hindi stable ’yung relationship namin dahil bihira rin kaming magkita noon. Dahil na rin sa hinihigpitan sila lumabas ng kanilang accomodation ng kanilang amo. Mahigpit ito sa kanila lalo na sa paglabas at pag-meet sa ibang tao. Bilang na bilang lang ’yung pagkakataon na magkita kami kaya madalas ay video call lang ang communication namin.

Mayroon po akong aaminin sa inyo. Nagawa ko pong i-open ’yung kaniyang social media account at doon ko nabasa lahat lahat ng nangyayari sa kaniya.

Sundan ang kuwento ni John dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.