Nagpaloko for one year | Raqi’s Secret Files
July 27, 2023
“Mahirap kapag pinilit ’yung pagmamahal.”
Hi, DJ Raqi! Good day sa mga listener mo. I just wanna share my story kasi matagal ko na ’tong itinatago. Listener mo ’ko since 2018. Hindi lang boses mo ang maganda, pati mukha mo. Sana, soon, makita kita sa personal.
Itago mo ’ko sa pangalang Avi, 24 years old from Quezon City. I just wanna share my story about sa live-in partner ko. Six years na kami at mayroong anak. Sa buong six years, never kong naramdaman na sobrang mahal niya ’ko kasi mas mahal ko siya kaysa sa mas mahal niya ’ko. From the start of our relationship, ramdam ko na sobrang mahal niya ’yung ex niya. ’Yon nga lang, pumasok ako sa buhay niya kaya hindi sila nagkatuluyan.
Niloko ako ng partner ko for one year na nag-uumpisa pa lang ang relationship namin. Ramdam ko na may nangyayari sa kanila habang nag-uumpisa pa lang kaming magsama at tinolerate sila ng circle of friends nila. Nalaman ko na niloko niya ’ko for one year no’ng nabuntis ako sa panganay namin. Tinigilan niya ’yung ex niya kasi nga nagka-baby kami. Na-survive ng baby namin ’yung relationship namin then, our baby came.
Sa una, masaya kami, but nag-umpisa siyang magloko noong 2020. Gumagalaw siya ng iba’t ibang babae kapag break kami at habang kami pa, may isa syang ginalaw.
Sundan ang kuwento ni Avi rito sa Raqi’s Secret Files.
Related Contents
-
Ang CUTE ng balot, JUTS and Teddy | Raqi’s SPG Secret Files
August 11, 2023
-
Nabuntis ang girlfriend ko ng kaniyang amo | Raqi’s Secret Files
August 7, 2023
-
Sana hindi ko na pinakawalan | Raqi’s Secret Files
August 2, 2023
Comments