Niloko rin ako ni Papa | Raqi’s Secret Files

July 13, 2023

“Akala ko, sa relasyon ko lang mararanasan ang betrayal.” 

Hi, DJ Raqi! Pinag-isipan ko ’to kung ikukwento ko ba o hindi na lang, pero heto, ikukuwento ko para kahit paano, eh, mabawasan ang bigat sa loob ko. Itago niyo na lang ako sa pangalang Colleen and this is my Secret File.

Sisimulan ko itong kuwento na ’to noong elementary pa lang ako. Noong Grade 1 ako, si Papa na ang laging naghahatid-sundo sa’kin sa school. Palagi akong naiyak pagkatapos ako ihatid ni Papa kasi s’yempre, bata pa ako noon at hindi ko pa kaya ang sarili ko. Takot pa ako maiwan sa school that time tapos one time, sabi niya sa’kin, kapag hindi raw ako umiyak ’pag hinatid niya ko, bibilhan niya raw ako ng hotdog (which is favorite na ulam ko noong bata pa ako). S’yempre, DJ Raqi, natuwa ako noon kasi fave ko talaga ang hotdog. Eh, ’di ’yon na nga, hinatid niya ako ulit sa school. Hindi ako umiyak no’n noong nandoon pa siya. No’ng wala na siya, umiyak na ako. Uwian na no’n at sinundo na ako ni Papa. Pag-uwi namin ng bahay, totoo nga, bumili si Papa ng hotdog at ang saya ko no’n.

High school na ako, s’yempre dalaga na. 16 years old ako no’ng una akong nagka-boyfriend nang seryoso (I mean, hindi puppy love). Legal kami both sides. Long-distance relationship kami no’n at umabot kami ng almost three years, pero naghiwalay din kasi mayroon na pala siyang iba while kami pa. Ka-trabaho niya ang ipinalit niya sa’kin. Grabe ang iyak ko no’n, DJ Raqi, kasi buong buhay ko, akala ko, siya na talaga hanggang dulo, pero ’yon, naghanap ng iba. Panganay kasi siya, DJ Raqi and gusto niya, mag-baby na kami, eh, ilang taon pa lang ako no’n, DJ Raqi, 16 years old, nag-aaral pa ako no’n tapos in-open ko sa mama ko ’yon na wala na kami no’ng boyfriend ko. Sabi niya, totoo raw ba? Sabi ko, oo, sa chat ko lang siya kausap no’n kasi, nasa bahay ako ng kaibigan ko no’n naiyak. Sabi ng ate ko, umiyak raw si Mama kasi ang tagal din daw namin.

Lumipas ang ilang araw, sinabi ko na rin kay Papa. Sabi ko, “Pa, wala na kami ng boyfriend ko. Nabanggit ba sa’yo ni Mama?” Sabi niya, “Oo, hayaan mo na ’yon. ’Di talaga kayo para sa isa’t isa. Gano’n talaga ang buhay. You cannot win them all. Nangyayari talaga ’yan sa relasyon ng bawat tao kaya kailangan matibay ka sa lahat ng  pagsubok. Natural, nasaktan tayo kaya iiyak tayo para mabawasan at mailabas natin ’yong sakit sa damdamin natin, ’di ba? Kaya mo ’yan! Lagi mong tandaan na kaya natin lahat ’yang mga pagsubok sa buhay, d’yan tayo titibay. Ipagdasal mo na lang siya na sana lumigaya siya sa buhay niya ngayon. Let us forgive and forget para makalampas tayo sa mga pagsubok, okay? Nandito kami ng Mama mo para tumulong sa’yo sa lahat ng problema mo.” Naiyak ako no’n noong nabasa ko ’yon. Masuwerte ako dahil mayroon akong mga magulang na naggagabay sa’kin at nagpapalakas ng loob ko noong panahong brokenhearted ako. Biniro pa nga ako ni Papa. Sabi niya, mag-AFAM na lang daw ako. Natawa naman ako sa sinabi niya.

Sundan ang kuwento ni Colleen dito sa Raqi’s Secret Files!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.