One more chance | Raqi’s Secret Files

July 17, 2023

“Iniwan niya ako nang walang rason, pero ngayong masaya na ako ay nagmamakaawa siyang bigyan ko ng isa pang pagkakataon.”

Hi, DJ Raqi! Sana mabasa mo ito. Isa ako sa mga avid listener sa programa mo. Araw-araw akong nakikinig sa mga kuwentong binabasa mo hanggang sa naisipan kong isulat sa’yo ang kuwento ko. Ako nga pala si Shanaia, 28 years old from Talisay, Cebu.

Back in 2006, elementary pa ako noon, Grade 6, classmate at kaibigan ko na si Rodge. Parati kaming tinutukso ng mga kaklase namin dahil nga sa pang-aasar niya sa’kin tuwing nag-ga-gardening kami or kung minsan, kapag kami ang napag-uutusan ng teacher namin na maglinis sa H.E. building, kinikindatan niya ako at inaasar. Sinasabi ng mga classmate namin na may crush si Rodge sa’kin kaya nagpapapansin. Naaasar naman talaga ako sa kaniya, DJ Raqi, kahit magkaibigan kami hanggang sa naging kami. Ipinagpapasalamat ko na boyfriend ko na ang taong pinakamamahal ko.

Rodge: Sana ganito na lang tayo lagi, Babe — masaya, magkasama palagi. I love you!

Na-speechless ako. ’Yung puso ko ang sumisigaw nang bongga sa saya, nag-smile na lang ako sa kaniya at hinalikan ko ’yung noo niya sabay hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. Umuwi na kami pagkatapos noon at as usual, sa text and call lang ’yung communication namin. Hindi alam ng mga magulang ko ang relasyon namin. Closing program noon ng school nila, in-invite niya akong manood ng handwork dance. Magkasama kami no’ng gabing ’yon, ipinakilala niya rin ako sa mga classmate niya. Nakayakap siya sa likuran ko habang pinapanood namin ang activities sa stage. Katabi ko ang mga classmate niyang babae na sobrang friendly sa’kin. Pagkatapos ng program, DJ Raqi, ay nagpunta kami saglit sa park. Nag-date kami at nagkuwentuhan. Sinabi ko rin sa kaniya na magbabakasyon ako sa bahay ng Lola ko sa Norte. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Ayaw ko man sumama noon, pero wala akong magawa kasi nga walang ibang maiiwan sa bahay namin at baka magduda ang papa ko kung bakit ayaw ko sumama. So ’yon na, nagbakasyon kami sa Norte kasama ang buong pamilya. Text and call lang ang means of communication namin ni Rodge. Palagi niya akong in-u-update sa mga ginagawa niya at magpapaalam din kapag maglalaro siya ng basketball. Inuumaga kami parati sa pag-te-text at mas lalo akong na-inlove sa kaniya at mas tumibay ang pagmamahal ko sa kaniya no’ng long-distance relationship kami.

Fast forward, simula na ulit ang school year, second year na kami no’n. Wala namang nagbago, DJ Raqi. Ang excitement, saya, kilig, at pagmamahalan namin, consistent pa rin naman. Every day, sinusundo niya ako sa school. Siya ang nagdadala ng bag at ng mga book ko. Habang naglalakad kami, kinakanta namin ang favorite song namin no’n na “When I’m With You.” Parang fairytale ang kilig at saya ko kapag kasama ko siya. Mahal na mahal ko si Rodge at kasama siya sa mga plano ko sa future hanggang sa buwan ng October, birthday ko, hindi niya man lang ako binati. Wala akong na-receive kahit isang text from him. Tinawagan ko siya at ’yon lang ang narinig kong sinabi niya, “Maghiwalay na tayo. Ayaw ko na!” at binaba niya ang tawag. Gumuho ang mundo ko, DJ Raqi. Tawag ako nang tawag. Hindi na niya sinasagot pati sa mga text ko, hindi na siya nag-re-reply. Masakit na masakit ang dibdib ko habang hawak ko ang phone para tawagan siya nang paulit-ulit. Nakipagkita ako sa kaniya at pumayag sya. Malayo pa lang ako, nakikita ko na si Rodge at bumabaha na ang luha ko. Ang sakit sakit at ang bigat bigat sa puso. Niyakap ko agad siya nang mahigpit habang umiiyak ako at tinatanong kung anong problema at bakit makikipaghiwalay siya. Hindi niya sinagot ang tanong ko, DJ Raqi. Iyak ako nang iyak hanggang sa lumuhod ako at nagmakaawa sa kaniya, hindi niya lang ako iwan.

Sundan ang kuwento ni Shanaia rito sa Raqi’s Secret Files!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.