Palagi bang masasaktan? | Raqi’s Secret Files

July 12, 2023

“Ilang ulit pa ba ako masasaktan bago matagpuan ang totoong nagmamahal?”

Mag-mo-move on nalang ba ulit ako?

Hi, DJ Raqi! Bago ang lahat, magandang araw sa’yo. Isa ako sa mga silent listener mo for a long time. Siguro ito na ’yong time na ako naman ang mag-share. Tawagin mo na lang akong Chie at ito ang aking Secret File.

29 years old na ako. I am currently working sa isang private company for six long years now. Bago ako nag-start sa work, may karelasyon ako ng two years. After my first year at work, naghiwalay kami sa kadahilanang malayo kami sa isa’t isa at bibihira lang kaming magkita.

Quezon City ako, Rizal siya. ’Di ba ang layo? Hehe! Years passed by, may mga nanliligaw sa’kin sa office na mga ka-work ko. Hindi ko na babanggitin, pero hindi ko alam na isa sa kanila, may live-in partner na pala. Ang alam ko lang, may anak siya, pero never kong narinig na may ka-live-in pala siya at ’yon ang nanay ng anak niya.

Lagi niyang sinasabing wala raw ’yon. Sinauli niya na raw ’yong nanay ng anak niya. For six months. ’yon na rin ang pinaniwalaan ko, pero hindi ko pa siya sinasagot.

Until one time, may isa sa mga kasama niya sa department nila na-wrong send sa office number namin. Ang sabi roon sa text, “Mahal, pabalik na ako.” So, nag-assume ang mga kasama ko na ako ’yong ka-text kasi isa ’yon sa mga tinutukso-tukso nila sa’kin. Ako naman, todo deny kasi hindi naman talaga ako hanggang sa napatanong ako. Minention ko ’yong isang name na may anak na at ang sabi ko, “Wait, si Jude ba may asawa?”

Pagkatapos ng tanong kong ’yon, napatigil lahat sila at hindi nila inakalang isa pala ’yon sa nanliligaw sa’kin. Wala nang explain explain pa. ’Yon na ang pinaniwalaan ng lahat ng nakarinig sa office at ako, nagulat ako. “Bakit? Nanliligaw ba sa’yo ’yon? Sabi ko na nga ba, eh! ’Wag na ’wag kang maniwala roon na single ’yon. May asawa at anak ’yon,” sabi ng isang kasama ko.

Sundan ang kuwento ni Chie rito sa Raqi’s Secret Files!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.