Pang-long-lasting sana | Raqi’s Secret Files

July 11, 2023

“Sana hanggang dulo.”

Hi, DJ Raqi! Ako nga pala si Krisia, 26 years old, OFW sa Abu Dhabi, UAE. I’m an avid fan of your program kaya sana mapansin mo itong isinulat ko, DJ Raqi, dahil ito ang way para sabihin ko sa husband ko kung gaano ko na-a-appreciate ang mga ginagawa niyang effort, kung gaano ko siya kamahal, at kung gaano ako ka-thankful na siya ang pinakasalan ko. (Ipaparinig ko sa kaniya ’to once na ma-ere mo na ’to, DJ Raqi).

So, this is all about him — my husband. He’s Keneth, 22 years old, and yes, mas matanda ako. We’re married since 2021, three months in a relationship lang kami ay nabuntis niya ako kaya naisipan naming magpakasal sa embassy dahil bawal dito sa UAE mag live-in ’pag hindi kasal lalo na’t buntis ako. No’ng una, hindi ko akalain na magtatagal pa kami ng two years kasi ang daming away na nangyari, na para bang ang natitirang solusyon ay hiwalayan, pero thank God, nalampasan namin ’yung stage na ’yun. Bigla ko na lang na-realize na sobrang suwerte ko pala sa kaniya, na safe and secure ang puso ko, at may peace of mind ako dahil sa mga effort niya to prove his love for me. Pareho kami seloso’t selosa, pero pareho naman naming iniiwasan agad lahat ng mga pinagseselosan namin. Pagdating sa away, ako ang mas matagal magpatawad ’pag nagalit. Hindi ko siya kinakausap, tahimik lang ako. Siya naman, kabaliktaran. ’Pag galit siya, gusto niyang pag-usapan at gusto niyang ayusin agad. ’Pag ako galit, aabot ng ilang oras or buong araw na hindi ko siya kakausapin, pero hindi niya talaga ako hinahayaang matulog na may galit. Hindi siya titigil, susuyuin niya ako, like hindi siya titigil na kulitin ako,  yayakapin, i-ki-kiss habang nag-so-sorry nang paulit-ulit hanggang maging okay kami.

No’ng buntis ako, mas lalong dumami ang mga problema at away namin dahil selos dito, selos doon, galit dito, galit doon. Ang peg ko, kahit maliit na bagay lang, pinapalaki ko. Sobrang init ng ulo ko lagi kaya lagi ko siyang inaaway kahit sa walang kuwentang dahilan, pero lahat ng ’yun, inintindi niya kahit alam niyang minsan, mali ako. Tiniis niya lahat para walang away, para okay kami lagi kasi ayaw na ayaw niyang magkaaway kami dahil ayaw niyang ini-ignore ko siya, pero hindi ko makita ’yung effort niya dati at kung gaano niya ipinaramdam ’yung pagmamahal niya. Hindi ko siya na-a-appreciate. Minsan, ’yun ang lagi niyang sinasabi ’pag inaaway ko siya. Ngayon ko lang na-realize lahat ng mga ginawa niyang effort at time na binigay niya to prove na lahat ng sinasabi niya ay totoo lalo na ang pagmamahal niya sa’kin.  Hindi ko alam kung paano ko iisa-isahin. Ang dami niya kasi talagang ginawa para lang maiparamdam niyang mahal niya ako nang sobra pa sa sobra. Minsan, hindi ko maiwasang umiyak sa gabi ’pag naaalala ko kung gaano ko siya pinahirapan sa relasyon namin at pinili niya pa ring mag-stay. Ilang beses ko siyang laging pinagdududahan, ilang beses ko siyang pinagtatabuyan, pero ’yun, kahit anong taboy, eh, willing siya mag-stay. Nasasaktan ako ’pag naaalala ko ang mga pagpapahirap ko sa kaniya na minsan, umaabot sa puntong nakakapagsabi siya ng masasamang salita na “Pahirap ka talaga sa buhay ko,” “Gusto mo magpakamatay na lang ako?,” “Nagsisisi na ako sayo,” at “Hindi ko deserve na tratuhin mo ng ganito.”

Sundan ang kuwento ni Krisia rito sa Raqi’s Secret Files!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.