Sana hindi ko na pinakawalan | Raqi’s Secret Files

August 2, 2023

“Ako sana ang katabi mong humarap sa altar, but you don’t deserve me after all…”

Hi, DJ Raqi! I have to admit muna na hindi ako laging nakakapakinig ng programa mo sa 90.7 Love Radio. Madalas lang kitang mapakinggan kapag sumasakay ng bus o jeep pauwi o kapag kumakain ako ng late lunch sa canteen namin. Noong napakinggan kita isang beses, pumasok sa isip ko na baka puwede kitang sulatan at i-share sa iyo ang kwento ko. I tried and found myself doing this. Baka sakali lang na marinig ng ex ko and in a way, masabi ko sa kanya na sising-sisi ako sa nagawa kong kasalanan sa kanya — isang bagay na hindi ko magawa nang harap-harapan dahil mukhang imposible pang mangyari sa panahong ito. By the way, itago mo ako sa pangalang Omar at ito ang aking Secret File.

Nais ko sanang balikan ang time na I was still a nursing student sa isang private medical school. I had my two eyes fixed sa isang babaeng student na itago natin sa pangalang Winter. Si Winter ay one year ahead sa akin. Nursing din ang kinukuha niyang kurso. When I first saw Winter in my first year in college, nag-alab na agad ang paghanga ko sa kanya. Winter is a full-package woman para sa akin kasi maganda siya, maputi, matangkad, mukhang mabait, matalino, at role model student. Halos lahat ng ka-batch kong lalaki, siya rin ang crush, pero I had this determination na i- pursue siya kasi naramdaman kong siya na ang “the one” ko. So, ang ginawa ko noon, nagpadala ako sa kanya ng mga letter bilang isang secret admirer. Through those letters, unti-unti kong inamin sa kanya na gusto ko siya bilang babae and that I was interested to get to know her if she wouldn’t mind. Inamin ko rin sa kanya na I am a year lower than her, yet, susubukan ko pa rin ang chances na ligawan siya.

To my surprise, nag-respond si Winter. Pumayag na makipag-meetup sa acquaintance party ng freshies sa school namin and during the freshies’ party, sinet-up kami ng mga classmate ko para magkaharap at magkakilala nang personal. Sa umpisa, natameme talaga ako kasi kaharap ko na ’yung babaeng gusto ko. Natulala talaga ako, pero ’yung mga classmate ko at classmates niya, nagsisigawan na rin. Nandoon kami sa gitna ng basketball court. Kami ang naging centerpiece during the event. Nagulat din ako kasi I was expecting a private meetup, pero we ended up taking the whole stage, kumbaga. And so, we met, nagkaroon ng kaunting conversation tungkol sa aming personal background. Nagkapalitan din kami ng mobile numbers. Ang gist lang sa naging first meetup namin is when I asked her kung puwede ko siyang ligawan. Pumayag naman siya, kaya hindi na rin ako napahiya. From that day, we started dating. We started getting to know each other better. Na-meet ko rin ang parents niya and I informed them formally that I was courting their daughter. Biro nga ng daddy niya sa akin, “Winter, kailan mo ’to sasagutin?” Sabi na lang ni Winter sa kanila, “Maybe at the right time, Dad.”

Nabuhayan naman ako ng loob kasi mukhang may pag- asa namang maging kami. Throughout our dating stage, mas naging close ako sa mommy niya na itago natin sa pangalang Tita Chloe. Si Tita Chloe ang tinagurian kong cheat sheet kasi siya ang napagtatanungan ko ng mga basic information ni Winter. Kahit ’yung mga gusto at ayaw niya, na-di-discover ko sa tulong ni Tita.

Sundan ang kuwento ni Mary Jean dito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.