Secret Jowa | Raqi’s Secret Files

July 20, 2023

“Tinatago ako ng jowa ko na kami.”

Hello, DJ Raqi! Itago niyo na lang ako sa name na Jade. May sarili akong negosyo at mag-isa lang ako na nagpapatakbo nito.

Simulan natin, June 4, 2022, naging kami ng boyfriend na friend ko noon. Alam ko ang mga pinagdaanan niya at ang mga kalokohan niya sa buhay. Babaero siya, in short. Madami siyang babae noon kasi mismo, sa’kin niya kinukuwento kung sino at ano ang mga ginagawa niya noon. Noong una, natatawa ako sa mga pinaggagagawa niya kasi hindi ko ma-imagine na may mga tao pala na gano’n ang trip sa buhay. Alam ko rin na may asawa siya that time, dalawa ang anak, pero nagagawa pa rin niya lokokhin ang asawa niya hanggang sa nagka-jowa ako ng ibang lalaki at lagi siyang nagseselos do’n sa jowa ko kasi mas binibigyan ko ng time ang boyfriend ko no’n. S’yempre, jowa ko ’yon kaya dapat lahat ng oras ko ro’n hanggang sa nasasabihan na ako ng kaibigan ko na nang-i-indian ako sa mga usapan namin at paasa ako.

Dumating ang panahon, nag-break kami ng boyfriend ko at do’n na siya pumasok ulit sa buhay ko. Sa madaling sabi, naging kami nang June 4, 2022, pero sabi niya, secret lang daw ang relasyon namin at naiintindihan ko naman dahil may mga anak siya at kahit hiwalay na siya sa asawa niya, eh, may asawa pa rin siya na legal at ako ay kabit lang.

Sundan ang kuwento ni Jade rito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.