Wala na si Kuya | Raqi’s Secret Files

July 25, 2023

“’Yung taong sandalan ko, bigla na lang nawala.”

Hi, DJ Raqi! I’m an avid fan and silent listener for a long time, just wanna share my life stories with you, and I hope mapansin niyo po. Thank you in advance!

Call me Ms. A, I’m 30, and currently working abroad for almost eight years. I started working at a very young age dahil naging working student ako sa Manila since laking probinsya ako. ’Di ko alam talaga ’yung buhay sa Manila. I was 18 no’ng pumunta ako ro’n, kasama ko sa bahay na inuupahan ’yung kuya ko, eldest sa aming magkakapatid. Nag-work ako as a cashier sa isang Taiwanese restaurant, panggabi ’yung duty ko no’n then, maaga pa pasok ko sa school. Suwerte ko na ata no’n if makakatulog ako ng five hours straight dahil kahit walang pasok sa school, pumapasok naman ako sa work. Sobrang hirap maging working student lalo na ’pag malapit na ’yung exam tapos puyat ka pa. Minsan, kulang pa ’yung perang pambayad sa tuition. ’Yung parents ko naman, dahil sa bukid nagtatrabaho, ’di na kami nanghihingi ng kuya ko, pero ’pag may extra sila Mama, nagpapadala naman. Sobrang hirap talaga no’n. Feeling ko talaga, ’di ko na kakayanin.

Fast forward, ’di ko natapos ’yung four years kasi ’di ko na kaya talaga kasi ang daming gastos sa Manila lalo na kung wala kayong sariling bahay. Nag-stop ako ng second year college then, nag-work na ako. I was planning that time na mag-work muna tapos mag-iipon para mag-aaral ulit ako, pero ’di na natuloy. Naisip ko kasi no’n, since I was earning naman na so, ’di na ako mag-aaral.

Nag-try akong mag-abroad no’n. I was 21 pa lang, pero ’di ako matanggap kasi nga raw 22 years old ang minimum nila ’pag nag-aaply ka. ’Yon nga, no’ng nag-22 years old na ako, nag-apply agad ako abroad. Sa awa ng Diyos, na-hire naman ako as a cashier sa isang fast food sa Middle East.

2015, nakapag-abroad ako. 22 years old lang ako no’n, mahirap talaga ang buhay abroad. Nando’n ’yung sige, kakayanin para sa pamilya — homesick, magkakasakit ka, pero need mo pa rin mag-work tapos paguran talaga ’yung trabaho. Iba talaga ’yung trabaho sa abroad compared sa Pinas — ’yung tipong uuwi ka na lang para matulog lalo na ’pag sa fast food ka nag-wo-work, pero masuwerte na lang din ako kasi lahat ng perang pinapdala ko sa Pinas ay ’di nasasayang. Kahit papaano, nakapagpundar ako ng lote na hulugan. Sabi ko kasi sa mama at papa ko, dapat ’pag edad ko ng 25, mapagawa na ’yung bahay namin.

Pinasok ko na rin ’yung larangan ng pakikipagrelasyon na napaka-toxic. Nando’n ’yung sinsaktan na rin ako physically, emotionally, and verbally, pero dahil mahal ko, tiniis ko rin lahat ’yon. Umabot ng tatlong taon, grabe ’yung trauma na pinagdaanan ko. Masuwerte lang ako sa bagay na may nasasabihan ako lalo na ’yung kuya ko na nakasama ko sa Manila. Siya kasi ’yung bestfriend ko, sobrang close naming dalawa na halos wala na akong tinatago sa kaniya.

Sundan ang kuwento ni Ms. A rito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.