Wala nang feels | Raqi’s Secret Files

July 19, 2023

“Biglang wala na akong maramdaman sa kaniya.

Hello, DJ Raqi! This is my first time to write a Secret File. Actually, 2018 noong una kitang narinig sa radyo. Gusto ko nang magsulat noon, pero hindi ko alam kung paano i-se-send sa’yo. Hehe! So, I decided to listen, also cry, and laugh habang nababasa ko ang mga Secret File. Sisimulan ko na ang aking Secret File. I’m Azami (not my real name), I’m 24 years old, and currently working in Hong Kong as a domestic helper.

Yes, bata pa ako for this kind of job, but then, no choice kasi may dalawa akong anak. I need to sacrifice for their needs and also my family. I’m here with the help of my aunt kasi ’yung amo ko ay alaga niya noon. Bumukod na rin siya kasi may asawa, pero walang anak kaya tatlo lang kami rito, and we go back to my Secret File.

Year 2016, I was in first year college. Nag-aral ako sa kilalang unibersidad sa’min. Masaya, nag-aral naman ako. May boyfriend ako noon, siya si John (hindi niya totoong pangalan). Mabait naman siya, walang bisyo, at sa kaniya ko ibinigay ang aking pagkababae. End ng first sem noong hindi na ako dinatnan so, I went to the hospital with my elder sister and the doctor said that I was diagnosed with Urinary Tract Infection. Pinag-take ako ng medicines, especially antibiotics, pero alam ko na noon na buntis ako kasi four months nang wala akong menstruation kaya, I never took the antibiotics. Natakot lang akong sabihin, nilihim ko rin, at hindi alam ni John noon.

Fast forward, nagtaka na ’yung pinsan ko noon, kaya she bought a pregnancy test and ’yon nga, positive. Sobrang kaba ko noon. Sabi ko sa pinsan ko, “Ate, ’wag mong sasabihin kay Papa. Natatakot ako, baka sampalin ako,” at sabi naman niya, “Kay Mama ko sabihin at siya na ang magsasabi kay Papa mo.” Kinabukasan, pumasok pa naman ako, pero balisa na ako, but inside and outside of the school, masaya ako kasi kasama ko mga classmate ko na parang wala lang sa’kin. In the afternoon, umuwi na kami ng ate ko and that time, nalaman na ng ate ko na buntis ako. Umiyak daw siya kasi ako ’yung bunso, ako pa ’yung naunang nabuntis. So, nasa daanan na kami papunta ng bahay namin, huminto kami. Sabi ko, “Ate, takot akong umuwi. Natatakot ako kay Papa, baka kung ano na lang ang gawin niya sa’kin,” at sabi naman ng ate ko, “Ano ka ba? Pray ka lang! Isipin mo, mabait si Papa. Mabait naman talaga si Papa, hindi ka sasaktan no’n, halika na!” Hanggang makarating na kami ng bahay at ’yon, thank God kasi hindi ako sinaktan ni Papa at kinagabihan no’n, pinatawag niya si John.

Sundan ang kuwento ni Azami rito sa Raqi’s Secret Files.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.