Episode 86: Durog na durog

April 11, 2023

Minsan talaga sa buhay hindi mo alam kung paano ka magsisimula pagkatapos gumuho ng iyong mga pangarap kaya naman sumulat ang Tambalanista natin para humingi ng payo sa Tambalan.

Gumuho ang mundo ni Jam nang naghiwalay sila ng jowa niya na nasa Dubai na akala niya makakasama na niya habang buhay. Inexplore niya ang dating app sa pagbabakasakali na makaka-move on siya agad. Doon niya nakilala si Rick na isang Australian na dito sa Pinas nagtatrabaho. Naging masaya sila dahil compatible sila hanggang sa nag-reach out ulit ang ex ni Rick sa kanya.

Alamin ang buong kwento ni Jam sa episode na ito ng Tambalan Podcast! Listen to this full episode of the Tambalan Podcast! Ano kayang hanar nina Nicole Hyala at Chris Tsuper?!

Kung like mo ang kanilang hanar, follow mo na ang kanilang podcast at pa-five stars ke nemen diyen! May notification bell din, baka gusto mo rin i-ding dong!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.