• Dito Ka Lang

    Moire Dela Torre

    Back to Top 10
    1

    Ika’y dumating na parang ihip ng hangin
    Ako’y nakahinga dahil sa ‘yo
    Tadhana ma’y ‘di natin pwedeng alamin
    Liliwanag ang daan tungo sa ‘yo
    Dito ka lang sa puso ko
    Kung ito’y pag-ibig nga, takot ay ‘di na dama
    Dito ka lang palagi sa aking tabi
    Lahat kayang harapin kung dito ka lang
    ‘Di mapigilan ang lungkot na nadarama
    Para bang dahong ligaw sa hangin
    At no’ng dumating ka, parang magandang panaginip
    Kasama ka sa buwan tuwing gabi
    Dito ka lang sa puso ko
    Kung ito’y pag-ibig nga, takot ay ‘di na dama
    Dito ka lang palagi sa aking tabi
    Lahat kayang harapin kung dito ka lang
    Ang buong lakas ay ibibigay ko kahit masaktan
    Ika’y pupuntahan kahit sa’n ka man
    Kung kailangan mo ako, aking mahal
    Dito ka lang kahit puso ko’y
    Pagod at parang ‘di na kaya, mamahalin pa rin kita
    Dito ka lang palagi sa aking tabi
    Lahat kayang harapin, dito ka lang
    Dito sa aking tabi
    Dito ka lang

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.