Belle Mariano, makapanindig-balahibo sa first LIVE performance ng ‘Bugambilya’

July 5, 2023

Magpakatotoo na tayo, kailangan pa ba namin mag-intro? Sino bang hindi makakakilala kay Belle Mariano? Nagsimula siyang lumabas sa telebisyon sa edad na nine years old sa comedy-themed show na Goin’ Bulilit. Bumida rin siya sa pelikulang tulad ng ‘Four Sisters Before the Wedding’ at television series na ‘He‘s Into Her.’

Maliban sa pag-arte ay passion din niya ang pagkanta. Sa katunayan, inilabas niya ang album na ‘Somber’ na naglalaman ng mga kantang ‘Roadtrip,’ ‘Session Road,’ ‘Pansamantala,’ ‘Running Out of Time,‘ ‘Bugambilya,’ at ‘Somber and Solemn.’ Dapat daw itong marinig ng kaniyang fans bago dumalo sa kauna-unahan niyang live solo major concert na ‘Beloved.’ Magaganap ’yan sa New Frontier Theater sa darating na July 22.

Ibinahagi niya rin sa mga Kabisyo ang kuwento sa likod ng paggawa ng nasabing album at kung ano pa ang mga dapat asahan mula sa kaniya, pero ang pinakainaabangan ng lahat, ang first LIVE performance ng ‘Bugambilya.’

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.