Raqi Terra, humihingi na ng boyfriend

July 31, 2023

Hindi na kami ang nagsabi n’yan. Sa bibig na mismo ni Raqi Terra nanggaling kung ano ang susunod na gusto niya — jowa. Ganito ata ang epekto ’pag nakakapagsulat ng libro, biglang napapahanap ng cash! As in CASHama sa buhay. Charot with harot!

Sa dinami-rami nga naman ng natupad ng Basa Princess para sa sarili niya, masayang lovelife na lang ang kulang. Lord, beke nemen! Quota na tayo sa heartbreak, eh! Ilang taon ang hinintay ni Raqi Terra para maisakatuparan ang pangarap niyang ’to, pero masasabi talaga nating it’s worth the wait. Kaya, Kabisyo, ’wag mong sayangin ang paghihintay ng Basa Princess, suportahan niyo ang Raqi’s Secret Files, ha? Tulad nito, naniniwala kaming magiging sulit din ang paghihintay niya sa kaniyang Prince Charming!

Sa ngayon, balikan muna natin ang masayang book launch ng Raqi’s Secret Files!

Para makakuha ng kopya, mangyari lamang na bisitahin ang https://cebookshop.com/, tumawag sa 0908 811 0896 at hanapin si Ms. Shai Carbonel o mag-email sa [email protected]. Available din ang Raqi’s Secret Files sa piling C&E Bookshop physical stores tulad ng Quezon Avenue, Recto, Bacolod, Naga, Davao, Binañ, Laguna, at Albasa Cebu Event.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.