‘Susuka Pero ’Di Susuko’ ni Denin Sy, bagong pambansang motivational song

July 29, 2023

Taong 2010 pa noong nag-debut ang Filipino singer-songwriter na si Denin Sy, pero patok pa rin ang mga kanta niya hanggang ngayon dahil sa mga kuwento at inspirasyon nito. Kabilang d’yan ang ‘Minsan Kape, Minsan Ikaw,’ ‘Kapag Nariyan Ka,’ at ‘Pasensya Ka Na, God Bless!’ Kilala rin siya ng netizens bilang “Parody King.” Maliban d’yan ay isa rin siyang practicing architect at commercial jingle composer.

Isinulat niya ang latest single na ‘Susuka Pero ’Di Susuko’ para sa mga taong may pinagdaraan sa buhay. Gusto niya raw itong maging pambansang motivational song.

Ibinahagi rin ni Denin Sy kay Lala Banderas kung ano ang na-mi-miss niya sa pagiging single, kung paano niya gustong maiba ang buhay niya sa susunod na tatlong taon, at kung ano ang paborito niyang childhood memory.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.