Angkol DAGOL, gusto ng E.U.T kapag maulan
August 2, 2023
Buti pa ’yung ulan, tuluy-tuloy samantalang ’yung pag-uusap natin, hindi. Oops! ’Pag ganito ang panahon, mapapahugot ka talaga, eh!
Paano ba naman kasi? Bed weather, pero walang ka-cuddle? Kumusta naman ’yon? Ano na lang ang gagawin naming mga single dito?
@angkoldagol Basta ulan ulan lami daw mag E??? #kaloyal #comedy ♬ original sound – JAD💓
Pero itong si Angkol DAGOL, iba ang trip ngayong taglamig. Narinig niya kasi sa mga Marites na lami daw mag-E.U.T. ’pag umuulan. Nagulat pa siya no’ng una, eh, umaraw man o umulan, mahilig sa E.U.T ’yan!
May point naman kasi! Sino nga bang tatanggi sa init ng katawan na nakukuha ’pag nag-i-Eat, Unwind, Travel? Kami lang ba o napapansin niyo rin na mas nagiging magugutumin tayo ’pag tag-ulan? Tapos dahil napipilitan tayong pumirmi sa kani-kaniyang bahay, saka mangangati ang mga paa nating pumunta kung saan-saan? Hays!
Bukod d’yan, sa mga ganitong panahon din biglang nanlalamig ang mga jowa, tipong nawawala ang “good” sa “good morning” o pero ’di kaya panay like react na lang! ’Wag kang mag-alala! Manunumbalik ang init n’yan ’pag in-E.U.T. mo ’yan!
Oh, siya! Sinong gustong magpa-E.U.T. kay Angkol DAGOL? Basta, ingat lang tayo, Kabisyo, ah?!
Related Content
-
Senior High School graduate, nagdala ng sariling medal sa graduation ceremony
August 15, 2023
-
Diego Bandido, pinagselosan ni Luis Manzano?!
August 14, 2023
-
Nicole Hyala, may ipinasilip na parte ng katawan
August 11, 2023
Comments