Angkol Dagol, pinaiyak sa galit si Tanya Chinita

July 20, 2023

Angkol Dagol

Ito na nga ba ang sinasabi namin! ’Yang asaran na ’yan, mauuwi ’yan sa pikunan! Ano nga ba kasi ang nangyari?

@angkoldagol Soon sa DZRH! “Kwento and Buhay” #radiodrama #DZRH with @Tanya Chinita ♬ original sound – Angkol Dagol

Bago kayo magplanong abangan at kuyugin si Angkol Dagol, gusto lang naming linawin na drama lang ’to! Yes po, opo. Hindi namin alam kung ano ang nakita ng DZRH sa kanilang dalawa, pero kinuha na rin sila bilang drama actor at actress. Wala ata silang choice? ’Chos!

@diegobandido907 Bords, abangan sa @DZRH News #KwentoAndAwit ♬ original sound – DJ DIEGO BANDIDO

Nagbunga ang pag-iinarte nila ni Tita Tanya Chinita sa umaga kaso, hanggang radio drama ba naman, babaero pa rin ang papel ni Angkol Dagol? Ganiyan na nga in real life, wala na bang iba? Hahaha!

Hindi talaga pumunta r’yan si Bords Diego Bandido para sumoporta kun’di para magbantay dahil baka ang dapat na iyakan, mauwi lang sa tawanan!

Kabisyo, ano ang hatol niyo sa acting skills nina ’Kol at Tits? Pang-soap opera na ba?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.