Chris Tsuper, aliw na aliw sa Reyna ng Aliwan

July 12, 2023

Reyna ng Aliwan

Maliban sa naggagandahang floats, naggagalingang streetdancers, at nakatatakam na mga paninda sa Shopper’s Bazaar ng Aliwan Fiesta, isa sa mga pinaka-inaabangan ang naggagandahang mga kandidata ng Reyna ng Aliwan!

Sa Reyna ng Aliwan makikita ang kinatawan ng bawat pista sa bansa. Sa katunayan, dito nagsimula ang ilan sa mga kilalang beauty queens ngayon tulad nina Jamie Herrell, Karla Henry, Gazini Ganados, Ahtisa Manalo, at marami pang iba.

Dahil dito, hindi alintana ng Tambalan lalo na ni Chris Tsuper ang pagod sa hosting lalo na kung napapaligiran naman siya ng mga binibini. Yieee! Single pa siya no’n kaya ’wag niyo siyang husgahan.

Nagbago naman na si Kambyo King ngayong kasal na siya. Tingnan niyo na lang sa pagbabalik nila sa entablado ng Aliwan Fiesta Awarding Ceremony sa July 15.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.