Chris Tsuper, bata pa lang, mayaman na?!

July 21, 2023

Chris Tsuper

Kavogue naman pala ’tong si Chris Tsuper. Akalain niyo ’yon? Bata pa lang, saganang-sagana na raw siya. Alam niyo ba, Kabisyo, kung saan sagana si Kambyo King? Sa experience… experience sa buhay!

Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” Wow! May baon!

Kaya naman, patuloy na nagbabalik-tanaw si Chris Tsuper sa kaniyang pinagmulan. Dati kasi siyang aso! Woof! Woof! Hindi niya makalilimutan ang hirap na kaniyang pinagdaanan. Sa true naman na dapat hindi natin binabalewala ang mga nararanasan natin sa buhay dahil malay niyo, ito ang makakatulong sa’yo sa future. Sa madaling salita, ’wag kayong inggrata!

Chris Tsuper

‘Wag kang mawawalan ng pag-asa dahil ang buhay, parang gulong lang ‘yan! Minsan nasa ibaba, minsan nasa itaas! Alam naming ilang beses niyo nang narinig ‘yan, gusto niyo ba ng original? Oh, heto!

Sabi nga ni Kambyo King sa kaniyang speech sa isang graduation sa Lucban, Quezon, “Kapag ang tao ay nagmula sa hirap, wala siyang ibang direksyon kun’di ang umangat.” I- manifest niyo na ’tong kasabihang ’to dahil balita namin nakakaangat daw ’to! Pili ka na lang kung saan ka aangat, sa heaven ba o sa buhay. Hoooooy!

Panoorin ang kabuuang ebas ni Chris Tsuper dito.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.