Chris Tsuper at Nicole Hyala, pinagkakitaan ang pagiging judgmental sa E.A.T

July 31, 2023

E.A.T

Kung makabantay kayo sa buhay ng iba, akala niyo ay may ambag o sahod kayo. Hindi kayo tumulad sa Tambalan, ginawang pangkabuhayan ang pangingialam! ’Chos!

Nakaramdam ata sina Tito Sen, Bossing Vic, at Boss Joey na gipit sina Chris Tsuper at Nicole Hyala kaya inimbitahan silang maglaro sa Babala! ’Wag Kayong Ganuuun… sa E.A.T. Alam naman nating matalas ang dila ng balahura’t balasubas na itey, pero kailangan din nila ng matalas na isip lalo pa’t mga bata ang huhusgahan nila at posibleng may mga magulang na mag-abang sa kanila sa labas!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Tsuper (@christsuper907)

Aminin niyo, iba talaga ’pag legit Dabarkads! Hindi man sila madalas magkita-kita ay napakainit pa rin ng pagtanggap sa kanila. Napa-reminisce pa nga sina Boss Joey at Bossing Vic nang makita ang mga pagmumukha nila. Tulad ng dati, manipis pa rin ang Reyna ng Radyo at makinis pa rin ang Kambyo King!

Anyway, bago pa tumayo ang balahibo namin sa pang-uuto, sinubok ng mga batang sumali sa television kiddie contest noon ang pagiging echoserang palaka ng Tambalan. Pinahulaan sa kanila kung anong klaseng kompetisyon ba ang sinalihan ng mga itey base lamang sa kanilang hitsura at pagpapakilala. Maning-mani lang ang unang kalahok na hinarap sa kanila, pero beginner’s luck ang pala! Pumalya na ang radar nila sa mga sumunod pa.

Oh, my God! Ano ang ibig sabihin nito? The world is healing na ba? Faith in humanity restored dahil bumabait na sina Chris Tsuper at Nicole Hyala? Kaysa nga naman bumawas ang ligtas points nila, eh, magdagdag na lang sila ng pera!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.