Diego Bandido, pinagselosan ni Luis Manzano?!
August 14, 2023
Nagkasama sa isang proyekto sina Diego Bandido at ang celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.
Ayaw sana ’tong ipagkalat ni Bords, pero paano niya masisikreto kung gustong magpapicture sa kaniya ng FHM Philippines’ Sexiest Woman?
Pilit tuloy ang ngiti niya habang namumula naman sa kilig si Jessy. ’Yun nga lang, mukhang kailangan niyang mag-ingat dahil hindi natutuwa sa kaniya si Lucky! Tsk tsk!
’Wag kang mag-alala, Luis! Hindi naman nangangagat si Diego Bandido, kumpleto na rin ang bakuna n’yan! ’Chos!
Buti na lang at pumayag ang lovebirds na ’tong magpa-picture kay Bords at hindi siya pinagkamalang batang hamog! Masaya tuloy siyang umuwi at balita namin, pina-develop niya ang picture na ’to at itinabi sa pagtulog. HAHAHA!
Kayo na ang humusga, Kabisyo. Sino ang mas magandang lalaki kina Luis Manzano at Diego Bandido?
Related Content
-
Senior High School graduate, nagdala ng sariling medal sa graduation ceremony
August 15, 2023
-
Nicole Hyala, may ipinasilip na parte ng katawan
August 11, 2023
-
Top Secrets ni Raqi Terra na mababasa mo sa librong Raqi’s Secret Files
August 11, 2023
Comments