Golden retriever: man’s bestfriend o partner in crime?
August 8, 2023
Ano ang magiging reaksyon mo kung mamalayan mong bukod sa nawala ang mamahalin mong bisikleta ay tila kasabwat pa ang mahal mong alaga sa pagtangay dito?
Isang hinihinalang magnanakaw ang nakunan ng CCTV footage na habang paatakas na sana ay siya namang pasok sa garahe ng aso ng biktima. Sa halip na kumilos nang agresibo sa hindi kilalang lalaki, kumawag-kawag pa ang buntot ng golden retriever at nagsimulang makipaglaro.
Hinila ng suspek ang bisikleta pabalik sa garahe at pinaulanan ang palakaibigang aso ng belly rubs. Maririnig pa ang lalaki na nagsasabing, “You’re the coolest dog I’ve ever known. I love you, too. You’re a sweetheart.”
Nakuha pang magtanong ng lalaki sa golden retriever kung nasaan ang may-ari nito at nagbiro pa na hindi dapat iniiwang bukas ang kanilang garahe habang dinidilaan siya ng mapaglarong aso sa mukha. Pagkatapos ay umalis na ang suspek dala ang nasabing bike.
Umani ito ng samu’t saring comments mula sa netizens na karamihan ay nagsasabing normal lang ito sa mga golden retriever. May mga pumansin din sa hinihinalang magnanakaw na bagama’t tila may maitim na balak ay may puso pa rin sa para sa mga aso. Ikaw, Kabisyo, ano ang masasabi mo sa kagananapang ito?
Related Content
-
Senior High School graduate, nagdala ng sariling medal sa graduation ceremony
August 15, 2023
-
Diego Bandido, pinagselosan ni Luis Manzano?!
August 14, 2023
-
Nicole Hyala, may ipinasilip na parte ng katawan
August 11, 2023
Comments