Lala Banderas, fresh pa rin kahit pagod na

July 18, 2023

Lala Banderas

May mga tao talagang kahit ibilad mo sa araw at ulan, hindi pa rin na-ha-haggard, ’no? Tumabi kayo dahil si Lala Banderas na ’to!

Maging ang Love Radio DJs ay nakiisa at nakisaya sa Aliwan Fiesta! Heto ngang Lalabs niyo ang nakatoka sa pagsalubong sa mga kandidata ng Reyna ng Aliwan mula sa kani-kaniya nilang float.

Take note, labingwalong binibini ang inabangan niya nang mahigit tatlong oras, pero parang hindi naman siya nahulas!

Partida, hindi nag-fa-foundation ’yan. Tamang kilay, lipstick, at kulot ng buhok, eh, keri nang ilaban!

Kayo ba, Kabisyo, paano niyo napapanatili ang freshness mo?  Kailangan namin ’yan. Nahihiya na kaming tumabi kay Lala Banderas, eh!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.