Lala Banderas, nakakita ng multo sa Love Radio booth?!
August 1, 2023
Malayo pa naman ang Halloween, pero bakit nagkakatakutan na? Ang pangit naman ng trip mo, Lala Banderas!
Nagtataka ba kayo kung bakit parang lalo siyang lumiit? Eme! Seryoso na! Mapapaisip ka talaga na parang may nagbago sa tindig niya.
Ganito kasi ’yon, Kabisyo! Napagdesisyunang magpahinga ni Lalabs sa sofa kaya s’yempre, hinubad niya ang sandals niya. Nang tumayo na siya para suotin ’to, biglang nawala ’yung isa. Akala niya, tumalsik lang sa ilalim ng sofa, pero wala siyang nakita no’ng sumilip siya.
Heto na ang nakakapanindig-balahibong sumunod na nangyari! Nakita niya ang nawawalang sandals… malapit sa pinto. Paano nangyari ’yon? Kayo na ang humusga. Panoorin niyo ang buong video!
Hilig atang paglaruan ng mga mumu si Lala Banderas! Nang-basted daw siya ng nuno sa punso no’n kaya sinumpang hindi na siya lalagpas sa 5’0 ft., pero wala na atang mas nakakatakot pa no’ng minsang mag-CR si Lalabs at nakakita ng t*e kahit wala namang tao!
Patawa-tawa lang si Lala Banderas d’yan, pero gusto na niyang kumaripas ng takbo sa takot! Ayon sa pamahiin, kailangang alayan ang mga kaluluwang ligaw para hindi ka nila gambalain. Sa mga nagbabalak bumisita sa Love Radio booth, alam niyo na ang gagawin!
Related Content
-
Senior High School graduate, nagdala ng sariling medal sa graduation ceremony
August 15, 2023
-
Diego Bandido, pinagselosan ni Luis Manzano?!
August 14, 2023
-
Nicole Hyala, may ipinasilip na parte ng katawan
August 11, 2023
Comments