Nicole Hyala, tumatandang paurong

July 26, 2023

Nicole Hyala

Nag-glow up na ba ang lahat? Si Nicole Hyala kasi, sobra pa sa sobra! Age is just a number talaga, mga Kabisyo. Tingnan niyo naman ang pagmumukha ng Reyna ng Radyo, hindi halatang kuwarenta mahigit na ang edad. Ano ang secret? Magaling siyang magtago! HAHAHA!

@dj_nicolehyalaOkay lang tumanda, ang mahalaga, hindi halata. Hahahaha! How my man met me vs What he gets now.

♬ original sound – Nicole Hyala

Galing-galingan niyo rin kung gusto niyong maging katulad niya! Kitang-kita namang hindi basehan ang edad para ma-reach ang full potential ng feslak, ’di ba? ’Wag kayong mawalan ng pag-asa!

Hindi namin alam kung saan kami nasisilaw, sa diamonds ba o sa ageless beauty ni Nicole Hyala? (Hays, ang hirap naman sumipsip sa station manager ng Love Radio!) Ganiyan talaga ang epekto kapag natagpuan mo na ang love of your life, eh. Saan ba kasi kami makakapulot ng “the one” na ‘yan nang mapakyaw na para lahat tayo ay maganda?

Nicole Hyala

Grabe lang ’yung napagtanto namin for today’s videyow! Una, haggard tayo. Pangalawa, mahirap tayo. Shining, shimmering, splendid naman kasi ‘yang alahas na ‘yan, pero maniwala kayo, beauty knows no age! Kung hindi ka pa nag-glow up, kalmahan mo lang. Mas magiging makinang ka pa sa stars pagdating ng panahon.

Basta love yourself tulad ng pagmamahal at pag-aalaga ni Nicole Hyala sa sarili niya. Maganda ang nagiging resulta kapag mahal mo ang sarili mo, pero mas solid pa rin kapag love ka rin ng taong mahal mo.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.