Raqi Terra, inilabas na ang Raqi’s Secret Files

July 25, 2023

Raqi Terra

Ilang taon na ang nakalipas nang maranasan ni Raqi Terra ang heartbreak. Sa maniwala kayo’t sa hindi, hiniling niya mismo ito para may pang-adlib sa radyo. Ipinatikim tuloy sa kaniya ng tadhana ang iyak-tawa dahil ’yon ang hinihingi ng trabaho.

Matapos ramdamin ang sama ng loob ay pinagtuunan ng pansin ng Basa Princess ang sarili at ang mga gusto niya pang gawin habang nasa punto ng single blessedness.

Fast forward to 2023, ma-ti-tick off na niya ang nasa bucketlist dahil nakapagsulat na siya ng isang libro.

Raqi Terra

Bumuhos ang suporta sa kaniya ng Team Raqiteers lalo na ang kaniyang Love Radio Family. Nagkaroon siya ng book launch sa Hard Rock Cafe kung saan opisyal niya nang ipinakilala ang Raqi’s Secret Files — ang bunga ng kaniyang masaklap na pinagdaanan sa pag-ibig.

Complete attendance ang paborito nating mga Kabisyo para ipaabot ang kanilang pagbati kay Raqi Terra, pero ’wag na tayong maglokohan. Pagkain, inuman, at sayawan talaga ang pinunta nila ro’n. Charot with harot!

Nasanay tayo na Secret Files ng iba ang ibinabahagi ng Basa Princess, pero ngayon, malalaman niyo na ang Secret Files niya! Yieee! Naiintriga na siya!

Para makakuha ng kopya, mangyari lamang na bisitahin ang C&E Bookshop, tumawag sa 0908 811 0896 at hanapin si Ms. Shai Carbonel o mag-email sa [email protected]. Available din ang Raqi’s Secret Files sa piling C&E Bookshop physical stores tulad ng Quezon Avenue, Recto, Bacolod, Naga, Davao, Binañ, Laguna, at Albasa Cebu Event.

Salamuch, Kabisyo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.