Raqi Terra, nanggigil sa mga nag-iinaso

July 24, 2023

Raqi Terra

Gusto niyong makuha ang inis ni Raqi Terra? Maliitin niyo ang aso niya!

@raqiterra907HINDI ‘TO ASO “LANG” | RAQI TERRA | #RAQISECRETFILES

♬ original sound – Raqi Terra

Sure na hindi lang beauty and brains ang Basa Princess, with a heart pa para sa fur babies. Malalim ang pinaghugutan niya bilang isang fur mom sa payong ibinigay niya kamakailan sa Raqi’s Secret Files!

Tama lang na malaman natin na ang mga hayop tulad ng aso ay hindi dapat nila-“lang” dahil madalas, sila pa ang nakakapagpagaan ng loob natin.

Nakakatunaw nga naman ng puso kapag may pagpapahalaga sa mga hayop. Sana lahat nakakakita ng halaga, ’di ba?! May buhay man o wala. Gaya ng mga aso, wala silang ginawa kun’di ang magbigay ng saya at pagmamahal nang walang hinihinging kapalit.

Raqi Terra

Sana maliwanagan ’yung mga nambabalewala sa fur babies. Pairalin ang pagmamalasakit kaysa sa galit dahil sa huli, talikuran man tayo ng lahat, mabaho man ang hininga natin, Kabisyo, hindi tayo i-ja-judge ng ating pets.

Kaya kung ang Basa Princess ay may puso para sa mga aso, paano pa kaya kapag pinusuan ka niya?

 

 

 

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.