Robin Sienna, nagbigay ng pag-asa sa mga umaasa
August 1, 2023
Hindi niyo na kailangan humingi ng sign sa langit at hintaying kumulog at kumidlat dahil si Robin Sienna na ang bahalang magbigay sa’yo ng lahat ng palatandaan na bet ka rin ng bet mo!
@djrobinsienna Baka napapansin na naman, di mo lang napapansin! #signs #tips #djrobinsienna #wellness #mentalhealth #romance #love #selflove #hope #inspiration #motivation #personality #education #crush ♬ original sound – DJ Robin Sienna
Ginagawa mo naman kaming siopao n’yan, Robin Sienna… asado! Umaasang baka mayroon nga siyang nararamdaman. Kahit sama ng loob, laban na ’yan. Hahaha!
Sige na nga! Tutal lahat naman tayo gustong mapansin at magpapansin kay crush, kapitan na natin ang lahat ng signs.
Nakipag-usap na ba siya sa’yo? Ni-replay-an ka na ba? Hala! Baka gusto ka rin niya… as a friend nga lang! ’Chos! Pero kung ano man ’yan, Kabisyo, baka mag level-up na kayo. Sa friends naman nagsisimula ang lahat ’di ba? Chance mo na ’to! Mag-isip ka na ng topic para hindi ka maubusan!
Nag-re-react ba siya sa stories mo? Naku! Paano kayo magkakatuluyan n’yan kung hanggang notifications lang? Nag-first move naman na siya, mag-message ka na. Salamat kamo gano’n!
Strict ba ang parents mo? Eh, ano naman? Alam naming maharot ka kaya balewala lang ’yan sa’yo. ’Pag si crush na ang nagyaya, tatanggi ka pa ba? Saka ka na lang kabahan ’pag pauwi ka na!
Panghuli, papampam ba siya sa’yo? Nang-aasar kahit hindi mo naman inaano? Imbes na mainis ka sa mga pang-aasar sa’yo, hindi kaya dapat kiligin ka? Hmmm…
Kaya kung kami sa inyo, makikinig na kami sa signs na ibinibigay ng pinakamagandang probinsyana, kasi malay niyo naman, ’di ba? Baka crush ka rin niya, ayaw lang pahalata o kaya nahihiya!
Related Content
-
Senior High School graduate, nagdala ng sariling medal sa graduation ceremony
August 15, 2023
-
Diego Bandido, pinagselosan ni Luis Manzano?!
August 14, 2023
-
Nicole Hyala, may ipinasilip na parte ng katawan
August 11, 2023
Comments