Senior High School graduate, nagdala ng sariling medal sa graduation ceremony
August 15, 2023
Kinaaliwan ng netizens ang isang Senior High School graduate sa Cabanatuan City, Nueva Ecija matapos magdala ng sariling koleksyon ng medalya sa kanilang commencement exercises noong July 7, 2023.
@ig_juzzteynnnn Mas madami pa pag nag dala ka kaya mag dala nalng kayo pero watch nyo hanggang dulo #fyp #graduation #2023 #fyppppppppppppppppppppppp ♬ original sound – Justine Abalos Marcelo
Ayon kay Marcelo, gusto niya raw maipakita ang nakuhang mga medalya sa taekwondo.
Isang taon siyang varsity sa eskuwelahan, pero nag-ta-taekwondo na siya mula 2014. Siya rin ay ipinagmamalaking student-athlete. Ginawa pa ni Marcelo na mas nakakatawa ang sandaling ’yon nang sundan siya ng kaibigang si Clyde Oanes sa entablado at ipahiram sa kaniya ang koleksyon ng medalya.
Natuwa ang mga guro at kaklase sa gimik na nagdagdag ng saya sa pormal na kaganapan.
“Well, okay din ’yun. Appreciate your own effort and hard work. Kung walang medal, then, give yourself a medal. 🥰❤️,” ani isang netizen.
Umani na nang higit 16 million views ang video na na-i-post sa TikTok.
Related Content
-
Diego Bandido, pinagselosan ni Luis Manzano?!
August 14, 2023
-
Nicole Hyala, may ipinasilip na parte ng katawan
August 11, 2023
-
Top Secrets ni Raqi Terra na mababasa mo sa librong Raqi’s Secret Files
August 11, 2023
Comments