Tanya Chinita, nag-walk out kay Angkol DAGOL

August 8, 2023

Angkol DAGOL
’Yung gusto mo lang naman mag-’fit check, pero na-trashtalk ka nang wala sa oras. Owshiii! Ipinapakita sana ni Angkol DAGOL ang pormahan ng mga loyal na tulad niya, pero binangga siya ni Tanya Chinita!

@angkoldagol Panira ka talaga @Tanya Chinita 😣#kaloyal #loveradio #feelgood ♬ original sound – Angkol Dagol

Binangga na, sinabihan pa ng “babaero.” Dire-diretso lang na naglakad ang hot na hot nating Tita habang ang Ka-loyal Master natin, na-pisikal na nga, may emotional damage pang kasama!

Angkol DAGOL

Napahawak na lang siya sa dibdib habang ninamnam ang panghuhusga sa kaniya ni Tanya Chinita. Sa tingin niyo, Kabisyo, na-offend kaya si Angkol DAGOL?

S’yempre, hindi! Batak sa kantiyawan ’yang dalawang ’yan. Sadyang ma-issue lang ang sumulat nito. ’Chos! Sundan pa ang asaran nila sa Feel Good Moorneeng mula mula 5 AM – 8 AM dito lang sa 90.7 Love Radio! Walang aawat, ah?!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.