Top Secrets ni Raqi Terra na mababasa mo sa librong Raqi’s Secret Files

August 11, 2023

Raqi Terra

And now… it’s time for DJ Raqi’s Secret Files! 

Tama ka r’yan, Kabisyo! Sa wakas ay handa nang ibahagi ni Raqi Terra ang sarili niyang Secret File. ’Yun ay kung handa ka ring malaman ang matagal nang ikinimkim ng Basa Princess!

Kung sakaling ikaw na nagbabasa nito ay bahagi ng Team Raqiteers —  mapa-solid o lowkey man at hindi pa nakabibili ng Raqi’s Secret Files, hayaan mo kaming sabihin sa’yo kung bakit hindi mo dapat palagpasin ang librong ito!

1. Ang mga Secret File na nagpaiyak, nagpainis, nakapagpasaya, at nakapag-inspire sa kaniya
– Sa dinami-rami ng kuwentong nabasa ni Raqi Terra, paniguradong mayroon ding tumatak sa’yo, pero anu-ano nga bang sulat ang hindi niya malilimutan?

2. Ang tunay na kuwento sa likod ng “heartbreak wish” niya
– Sinong tao ang nasa tamang pag-iisip ang hihiling na masaktan siya? Pero, teka, ’wag mo muna siyang husgahan. Hayaan niyo siyang magpaliwanag!

3. Ang tulang isinulat niya sa taong hindi na nagmamay-ari ng puso niya
– Kalimutan niyo na ang mga hugot na nabasa o narinig niyo mula sa Basa Princess dahil ito na ’yon! Ito na ang pinakamalalim sa lahat!

4. Si Hermes at Apollo
– Huh? Akala ba natin 2, este, 1.5 lang ang mga naging ex-boyfriend niya, pero bakit may Hermes at Apollo na pumasok sa eksena? Well, makikilala niyo rin sila!

5. Ang sulat niya para sa ex-fiancé
– Ika nga nila, save the best for last. Kaya naman, ito ang nasa dulo ng Top Secrets niya. Sinulat niya pa ito noong 2019, ibig sabihin, sariwang-sariwa pa ang naranasang heartbreak, kaya asahan niyong binuhos niya talaga ang puso, isip, at pawis sa pagsulat nito!

Patikim pa lang ’yan sa mga bagay na malalaman mo tungkol sa kaniya sa Raqi’s Secret Files! Sinisiguro naming hindi masasayang ang Php 395 mo, Kabisyo, dahil bawat pahina ay punung-puno ng mga aral at inspirasyon.

Para makakuha ng kopya, mangyari lamang na bisitahin ang C&E Bookshop, tumawag sa 0908 811 0896 at hanapin si Ms. Shai Carbonel o mag-email sa [email protected]. Available din ang Raqi’s Secret Files sa piling C&E Bookshop physical stores tulad ng Quezon Avenue, Recto, Bacolod, Naga, Davao, Binañ, Laguna, at Albasa Cebu Event.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.